• Tj Ovivir

Pangulong Duterte, Inaprubahan ang P4.51 Trillion 2021 Budget



Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nakatakdang P4.51 trillion na government budget sa darating na taong 2021, ayon sa ulat ng Department of Budget and Managment (DBM).

Kasunod nito ay ang pagsasaayos ng budget department sa 2021 National Expenditure Program (NEP) at sa ibang mga datos at budget documents na kailangan ng kongreso sa loob ng 30 araw matapos ang pag-apruba sa 2021 fund.

Matatandaang nasa P4.34 trillion lamang ang naunang budget proposal ng DBM, ngunit naging P4.51 trillion ito matapos dinggin at pakinggan ang mga hinaing ng bawat kagawaran.

Ayon din sa DBM, magpopokus ang 2021 budget sa kung papaano makikibaka ang bawat kagawaran sa mga epekto na dulot COVID-19 pandemic.