top of page

Pangulong Duterte, Inialay ang Sarili bilang Unang Tuturukan ng COVID-19 Vaccine mula Russia


Sa isang public address kahapon, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na handa siyang ialay ang kaniyang sarili bilang unang tatanggap ng COVID-19 vaccine mula Russia upang mapatunayang ito’y ligtas para sa publiko.


Sinabi ng pangulo na malaki raw ang tiwala niya sa pag-aaral ng Russia laban sa COVID-19 at sa bakunang binubuo ng bansa.


Ipinarating din ni Duterte ang kaniyang pasasalamat at galak sa Russia sa mabuting loob umano nito sa mga Pilipino at sinabing mananatiling magkaibigan ang dalawang bansa.


Ipinahayag din ng pangulo na umaasa itong magkakaroon na ng bakuna ngayong taon upang magkaroon ng ‘COVID-free December’ ang mga Pilipino.


Sa kabilang banda, sinabi naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na handang gumamit ng P20 billion ang pamahalaan para sa pamamahagi ng libreng COVID-19 vaccine sa mahigit 20 milyong Pilipino.


bottom of page