top of page

Pangulong Duterte, Iniutos ang Pag-aaral sa Nuclear Energy sa Pilipinas


Bataan Nuclear Power Plant

Nilagdaan ni President Rodrigro Duterte ang Executive Order (EO) 116 na bubuo sa Nuclear Energy Program Inter-Agency Committee (NEP-IAC) na magsasagawa ng isang pag-aaral sa nuclear energy at ang posibilidad na magamit ito bilang energy source ng bansa.

Nakatakda rin gumawa ang NEP-IAC ng isang national strategy na sasagot sa mga pangangailangan ng bansa sa imprastraktura.

Ayon sa EO, pamumunuan ng Department of Energy (DE) at Department of Science and Technology (DOST) ang NEP-IAC.

Samantala, kabilang naman sa mga miyembro ng komite ang mga Departments of Environment and Natural Resources, Interior and Local Government, Finance, at Foreign Affairs, ang National Economic Development Authority, National Power Corporation, National Transmission Corporation, Philippine Nuclear Research Institute at ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology.

Binigyan ng pangulo ang NEP-IAC na makapagsumite ng report sa loob ng anim na buwan.

bottom of page