• Estephany Rivera

Pangulong Duterte, Magbibigay ng Pagkain at Lodging sa LSIs sa NAIA


Inutusan ni President Rodrigo Duterte si Interior Secretary Eduardo Año at ang kaniyang Gabinete na hanapan ng temporaryong matitirhan at makakain ang mga locally stranded individuals (LSIs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ng pangulo na siya na raw ang magbabayad sa lahat ng gastusin ng daan-daang LSIs na nananatili sa labas ng airport o tabi ng daan matapos makansela ang kanilang flights dahil sa COVID-19.

Inutusan din ni Duterte si Transportation Secretary Arthur Tugade na alisin ang mga restaurants sa paliparan at gawin itong seating areas para sa mga pasahero.