Pangulong Duterte Nagbabala sa mga Ibinebentang Medical Equipments Online


Photo from pcoo.gov.ph

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na mag-ingat sa kaliwa’t kanang litawan ng pagbebenta ng medical equipments online gaya ng facemasks at iba pa sa kabila ng kinakaharap na krisis ng bansa dahil talamak aniya sa panahon ngayon ang mga scammer.

Inabisuhan ng Pangulo na suriin muna ng maigi ang bibilhing medical equipments online bago maglabas ng pera at mas mabuti kung pisikal na ipapakita muna ang produkto bago ito bayaran.

Mas mainam parin kung bibili na lamang sa mga pinagkakatiwalaang botika o health institution na malapit sa inyong lugar upang maiwasan ang mga ganitong pagkakataon.