• Tj Ovivir

Pangulong Duterte, Pinadagdagan ang mga Upuan sa NAIA Terminal para Magamit ng mga Pasahero


Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Department of Transportation Secretary (DOTr) Arthur Tugade na baguhin ang floor plan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at dagdagan ang mga upuan para sa mga pasahero pagkatapos matanggal ang ilan sa mga restaurants dito.

Ayon sa Pangulo, nalaman niyang tumutuloy sa labas ng paliparan ang mga pasaherong naghihintay ng kanilang mga flight kaya naman hinimok niya si Tugade na dagdagan ang mga upuan sa NAIA terminal.

Dagdag pa niya, mas madami ang restaurants dito kaysa sa mga upuan kaya napipilitan ang iba na tumayo na lamang habang naghihintay ng kanilang flights.

Pinakisuyuan din niya ang Department of Interior and Local Government na bigyan ng pansamanatalang matutuluyan ang mga stranded na pasahero na kasalukuyang nanunuluyan sa Villamor Air Base at sa isang Air Force facility sa Pasay.