top of page

Pangulong Duterte Pinamamadali ang Cash Aid sa mga Naapektuhang Health Workers dahil sa Covid-19

Hindi mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang mga opisyal na dahilan ng pagka-delay ng Financial assistance para sa mga Health Workers na nasawi at nagkasakit dahil sa Covid 19.

Photo from pcoo.gov.ph

Sinabi ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan ngayong araw, Hindi niya kailangan maghintay ng buwan para aksyunan ang kanyang kautusan.

Sa ilalim ng Republic Act 11469 or the Bayanihan to Heal as One Act, ang mga health workers na lubhang magkakasakit sa gitna ng trabaho ay makakatanggap ng financial assistance na 100 libong piso habang ang pamilya naman ng namatayan dahil sa Covid-19 sa gitna rin ng trabaho ay makakatanggap ng isang milyong piso.

Inatasan din ni Pangulo Duterte si Health secretary Francisco Duque III na bumuo ng team na tutulong sa kanya para mapabilis ang pagbibigay ng assistance.

Binigyan naman ng Pangulo ang mga ahensiya ng pamahalaan ng hanggang Hunyo 9 para i-release ang sweldo ng mga Health workers.

bottom of page