Pangulong Duterte, Sisikaping Makapagbahagi ng Face Masks para sa Publiko


Photo from pcoo.gov.ph

Sisikapin ni Pangulong Rodrigo Duterte na makapagbahagi ng libreng face mask para sa publiko bilang proteksyon at seguridad ng mamamayan laban sa lumalaganap na sakit sa bansa at upang wala nang maging dahilan pa ang mga tao sa hindi pagsusuot ng face mask.

Ani Pangulong Duterte, asahan na ang kanyang ibabahaging face mask ay maaring gamitin ng dalawang beses o higit pa basta’t napapanatili ang pag-disinfect nito.

Matatandaang iminungkahi ni Dr. Anthony Leachon sa Inter-Agency Task Force na gawing libre para sa lahat ang face mask.

Dagdag ni Leachon, maaring ang karamiha’y hindi ninanais na sumuway sa patakaran ng pamahalaan patungkol sa pagsusuot ng facemask subalit ang iba’y wala namang pambili sa naturang proteksyon kontra sa pagkalat ng nakahahawang sakit.