top of page

Pangulong Duterte, Tinanggap na ang Resignation ni DICT Usec. Eliseo Rio Jr.

Matapos ang higit tatlong buwan na paghihintay ni Department of Information and Communication Technology Undersecretary Eliseo Rio Jr. para sa kanyang pagbibitiw ay tinanggap na ni Pangulong Duterte ang resignation nito.

Noong nakaraang Enero ay nag-sumite na ng resignation letter si Rio kay Pangulong Duterte ngunit naging usap-usapan ang hindi pagkakaunawaan nila ng kasalukuyang DICT Secretary Gregorio Honasan dahil sa naging kontrobersyal na confidential funds ng ahensya para sa improvement ng cyber security sa bansa.

Ani Rio, ang kanyang pagbibitiw ay tungkol sa pansariling dahilan at hindi sa anomalya sa confidential funds ng ahensya.

Samantala, lubos na pinasalamatan naman ng Malacañang ang naging serbisyo at kontribusyon ni Rio sa bansa.



bottom of page