top of page

Panic-buying sa Pagbabalik ng MECQ, Kinondena ng DA


Photo is for illustration purposes only.

Matapos sumailalim ulit sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, siniguro ng Department of Agriculture (DA) na sapat ang supply ng pangunahing pagkain sa mga lugar na ito kaya hindi kailangang magpanic-buy ang mga mamamayan. Samantala, inanunsyo din ni DA Undersecretary for Operations Ariel Cayanan, haharap sa kaparusahan o multa ang mga residenteng mamamataang nagho-hoard at overstock ng pagkain. Pinakisuyuan din niya ang mga lokal na pamahalaan na siguraduhing hindi maaapektuhan ang pag-ikot at pag-angkat ng mga produkto sa kanilang mga lugar sa kabila ng MECQ, at dapat payagan ang mga essential wokers gaya ng mga magsasaka at mangingisda na makalusot sa mga checkpoints. Samantala, sinabi naman ng DA na mananatiling sigurado at hindi alanganin ang food supply ng bansa sa ilalim ng COVID-19 pandemic sa darating na limang buwan.

bottom of page