Panonood ng Disney Movies, Nakakatulong sa Pagpapagaling ng Cancer Patients
Natuklasan sa research ng Medical University of Vienna sa Austria ang mabuting epekto ng panonood ng Disney movies sa mga pasyenteng mayroong gynecological cancer habang sumasailalim sa chemotherapy.
Ayon sa mga mananaliksik, ang mga pasyenteng nanood ng Disney movies ay mas naging maganda ang pakiramdam, sa emotional at social functioning at fatigue, kaysa sa mga pasyente sa control group na walang pinapanuod sa kasagsagan ng anim (6) na cycles ng chemotherapy.
Sumagot ng standardized questionnaires mula sa European Organization for Research and Treatment of Cancer (EORTC) ang 81 participants bago at pagkatapos ng kanilang chemo.
Ipinaliwanang ng mga researchers na ang magandang resulta ay pwedeng iugnay sa tema ng mga Disney movies na kadalasan ay tungkol sa pagtanggap sa pagbabago.
