• Tj Ovivir

Panukalang Batas na Naglalayong Bigyan ng P1,000 Work-from-Home Allowance, Inihain sa Senado


Inihain nina Senator Francis Tolentino at Ronald Dela Rosa sa senado ang Senate Bill 1684 na naglalayong maglaan ng isang libong pisong allowance para sa mga trabahador na work-from-home, sa pribado man o pampublikong sektor.

Pangunahin nang nakalaan ito para sa telecommunicating expenses gaya ng internet at electric bill kaya nakasaad sa bill na hindi na magmumula sa sariling bulsa ng mga manggagawa ang mga gastusin para dito.

Samantala, maaari pang tumaas ang halaga nito depende sa kalagayan at pangangailangan ng isang empleyado.