Panukalang Batas para sa Proteksiyon ng Food Delivery Industry, Inihain sa Kongreso

Dahil quarantine pa din sa maraming lugar sa bansa, hindi nakapagtataka na popular ang kabi-kabilang food delivery. Kaya naman upang proteksiyonan ang industriyang ito, isinampa sa mababang kapulungan ang House Bill 6958 o ang Food and Grocery Delivery Services Act.
Layunin ng inihain na batas ni AKO Bicol Party-list Representative Alfredo Garbin, na ipagbawal ang pagkensala sa mga food orders, dahil una ng binabayaran na ng delivery drivers ang mga ito.
Nakasaad sa panukalang ito na ang sino mang lumabag ay maaaring makulong ng hanggang anim na taon, magbayad ng penalty na P100,000 at bayaran ang nagastos ng driver.
Gayundin, ang mga magpopost ng malisyosong pahayag o mamamahiya sa mga drivers ay maaari ding makulong ng anim na buwan.
Kasama din dito ang pagberipika sa pagkakakilanlan ng customer gaya ng pagre-require sa ID, residential address at valid proof of billing gamit ang video calls.