Panukalang Batas sa Virtual Marriage, Isinusulong sa Kongreso
Updated: Jul 6, 2020

Isinampa ni Kabayan partylist Rep. Ron Salo ang House Bill 7042 na naglalayong pahintulutan ang pagsasagawa ng virtual marriages.
Layunin ng panukalang batas na amiyendahan ang Articles 2, 3, 6, at 10 ng Family Code of the Philippines kung saan nakasaad na kinalakailangan ang presensiya ng solemnizing officer o magkakasal upang maisagawa ang seremonya.
Ayon kay Salo, unang ipinatupad ang Family Code noon pang 1988 kung saan hanggang imahinasyon lamang ng mga tao ang virtual presence.
Sa ilalim ng HB 7042, maaari nang magpakasal virtually ang dalawang tao kahit hindi sila pisikal na magksama. Pwede na ring ikasal ng isang consul-general, consul, o vice-consul ng Pilipinas ang mga Filipino citizens abroad.
Kailangan lamang manotarize ang marriage certificate bago ito iparehistro sa local civil registry upang masiguro ang katunayan at due execution.