• Tj Ovivir

Panukalang P1,500 na Monthly Allowance para sa Public School Teachers, Inihain sa Kongreso


Contributed photo for illustration purposes only.

Ipinanukala ng ACT Teachers party-list ang isang house bill na magbibigay sa mga public school teachers ng P1,500 na budget buwan-buwan, kasabay ng ipatutupad na blended learning ng kagawaran sa darating na pasukan.

Idiniin ni ACT Teachers party-list Representative France Castro na dapat ilaan ng gobyerno ang karagdagang allowance dahil kulang ang buwanang sahod ng mga guro, pati na ang kanilang taunang chalk allowance upang matustusan ang iba't ibang pangangailangan ng mga ito gaya ng gadgets at internet connection.

Naghahanda naman ang Department of Education sa pamamagitan ng adjustment sa curriculums at maayos na funding upang maging matagumpay ang gaganapin na bagong paraan ng pagkaklase.