Parañaque City, Magbabahagi ng P300 Milyong Halaga ng Gadgets Para sa mga Mag-Aaral at Guro

Magbabahagi ang city government ng Parañaque ng tinatayang P300 milyong pisong halaga ng tablets at laptops para sa mga mag-aaral ng lungsod bilang bahagi ng kanilang “new normal education” ngayong taon.
Umabot sa 7,000 tablets at 300 units ng laptop ang ibabahagi ng Parañaque para sa mga kinder at Grade 1 na mag-aaral at guro mula sa pampublikong paaralan ngayong pasukan.
Suportado si Parañaque City Mayor Edwin Olivarez ang blended learning na pamamaraan ng Department of Education (DepEd) bilang solusyon sa pag-aaral ngayong Agosto sa kabila ng banta ng COVID-19 sa bansa.
Nakahanda na ang distribusyon ng mga nasabing gadgets para sa kinder at elementary teachers sa susunod na buwan.