Pasay City, Inilunsad ang Pinakabagong COVID-19 Contact Tracing App


Inilunsad ng city government ng Pasay ang kanilang pinakabagong contact tracing app kung saan mayroon itong Quick Response (QR) code system upang mas mapabilis at paigtingin pa ang hakbang ng lungsod sa pagsugpo nito sa paglaganap ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa kanilang lugar.

Tinawag na Pasay QR Code COVID-19 Tracer app na maaring gamitin hindi lamang ng mga establisyimento kundi pati na rin ng mga residente, nakatutulong umano ito upang palawigin pa ang contact tracing sa naturang lungsod.

Ayon kay Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano, mayroong case investigation, COVID-19 testing result, clinical information at quarantine management na nasa iisang digital contact tracing app.

Ang Pasay QR Code COVID-19 Tracer App ay isang internet-based, contactless at may one-time registration lamang, ani Calixto-Rubiano,