top of page

Pasay LGU, Namahagi ng P3,000 sa mga Estudyante


Photo contributed.

Patuloy ang pamamahagi ng Pasay City government ng P3,000 tulong pinansiyal sa 2,500 grade school students ng Padre Zamora Elementary School (PZES).

Sa ilalim ng Financial Assistance to Students Program ng lungsod, makatatanggap ng P1,000 ang mga estudyante ng PZES para sa bawat buwan ng Enero, Pebrero, at Marso ng nakaraang 2019-2020 school year.

Sinabi ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano nakatanggap na raw ng parehong cash aid ang 3,493 estudyante ng University of Pasay, at 7, 460 mag-aaral mula sa iba’t-iba pang elementary at high school sa lungsod.

Hiningi naman ni Calixto-Rubiano ang kooperasyon ng mga magulang at guardian na kukuha ng financial aid ng mga mag-aaral at ng Department of Education-Pasay na sumunod sa tamang health protocols para sa maayos at matiwasay na pamimigay ng cash assistance.

Naghahanda na ang pamahalaan ng Pasay City na magbahagi ng tulong pinansiyal sa iba pang paaralan sa lungsod na hindi pa nakatanggap ng cash aid.

bottom of page