Pasig City, Mag-aalok ng Pautang para sa mga Residenteng Nawalan ng Trabaho Sanhi ng Pandemya

Mag-aalok ng pautang ang City Government ng Pasig para sa kanilang mga residente na nawalan ng trabaho at labis na apektado ang pamumuhay sanhi ng pandemyang kinakaharap ng bansa upang tulungan muli ang mga itong makabangon.
Pormal nang inilunsad ng Pasig City ang “Tulong at Pampuhunang Ayuda para sa Taga-Pasig” (TAPAT) na may layong tulungan ang mga residenteng nawalan ng trabaho na makapaghanap ng sapat na negosyo sa mauutang na salapi upang matustusan ang pang-araw-araw na pangangailangan.

Ayon kay Pasig city Mayor Vico Sotto, kayang tumanggap ng TAPAT mula sa 20,000 hanggang 40,000 na benepisyaryo at walang magiging interest kung makakapagbayad ang mga ito sa loob ng dalawang taon.
Tumatanggap na ang City Government ng aplikasyon para sa mga may gustong lumahok sa naturang programa sa pamamagitan pagpasa online o hindi kaya’y bisitahin na lamang ang TAPAT Help Desk sa Career Center ng Pasig City Hall.