top of page

Pasig City, Maglalaan ng Pondo para sa Personal Learning Gadgets ng mga Estudyante


Photo is for illustration purposes only.

Naghahanap ng mapagkukunang pondo si Pasig City Mayor Vico Sotto na paglalaanan niya ng mga personal learning gadgets para sa mga estudyante sa nasasakupan nitong lungsod habang hindi pa tiyak ang resumption ng klase dahil sa paglaganap ng COVID-19 sa bansa.

Ang City Government ng Pasig ay kasalukuyang nakikipagtulungan sa Departmentment of Education para sa mga hakbang na maaring gawin ng alkalde bago magsimula ang pagbubukas ng klase sa buong bansa.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, matuloy man ang pagbubukas ng klase sa Agosto o hindi, ang mga virtual classes ay tiyak na magiging bahagi na ng new norm kaya naman ginagawan niya ng paraan ang posibleng pagkunan nito ng pondo para sa mga personal devices na pwedeng gamitin ng estudyante.

Sa kabila nito, nakikipagtulungan din ang alkalde sa bawat barangay ng lungsod para sa improvement ng internet connection doon para maging maayos ang pagsasagawa ng virtual classes sa mga paaralan.


bottom of page