• Estephany Rivera

Pasig LGU, Mamimigay ng Cash Grants sa mga Senior Citizens Edad 90, 95, at 100


Photo by Drew Gneiser.

Makatatanggap ng ₱10,000-₱30,000 cash incentive ang mga Senior citizens na may edad 90, 95, at 100 sa Pasig City.

Sa tweet ni Pasig City Mayor Vico Sotto, nilagdaan na niya ang isang disbursement voucher na nagkakahalagang ₱780,000 ang ipamamahagi sa 54 senior citizens ng lungsod.


Makatatanggap ng ₱10,000 ang mga senior na edad 90, ₱20,000 naman para sa mga edad 95, at ₱30,000 para sa mga edad 100.

Ikinwento rin ni Mayor Vico na nagkasal pa siya ng senior citizen couple bago niya pinirmahan ang mga vouchers.