top of page

Pasig River Ferry Service Planong Buksan Muli ng MMDA para sa mga Commuters


Ferry boat services along Pasig River.
Contributed photo.

Plano ng Metropolitan Manila Development Authority na muling buksan ang Pasig River Ferry Service (PRFS) sa mga pasahero bilang isa sa mga opsyon ng alternatibong transportasyon sa kabila ng mahigpit na restriksyon sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA Chair Danilo Lim, nakaplanong buksan ang PRFS para sa mga inaasahang commuters na dumadaan sa pagitan ng Western at Eastern part ng metropolis at ang mahigpit na pagpapatupad ng mga health protocols gaya ng physical distancing policy upang masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero kontra COVID-19.

Sakaling aprubahan ang mga guidelines na isinumite ng MMDA sa ahensya ng Inter-Agency Task Force for the Management of Infectious Diseases ay muling bubuksan ang operasyon nito at ipagpapatuloy ang libreng sakay para sa mga pasahero.

bottom of page