Pasko ng Pamilyang Pilipino, Itinampok sa Isang Animated Short Film ng Disney


Screengrab from Disney Video.

Itinampok ang isang animated short film na may temang Pasko ng Pamilyang Filipino na mayroong titulong “From Our Family to Yours” bilang bahagi ng ika-40 taong selebrasyon ng “Disney” at ng “Make-A-Wish-America”.

Nasa higit tatlong minuto ang naturang animated short film kung saan ipinapakita ang tradisyonal na pagdiriwang ng pasko sa Pilipinas at mga eksena noong taong 1940 na mayroong makikitang pampasaherong jeep, pambansang kasuotan gaya ng barong, at isang pamilyang Pinoy.

Kabilang sa ipinakitang eksena ang kahalagahan ng pasko para sa mga Pilipino at pagmamahal sa pamilya bagama’t malayo man sa isa’t isa, kumpleto man o hindi.