PATAFA, Naghahanap ng Bagong Training Facilities Bilang Paghahanda sa Future Tournaments

Kasalukuyang naghananap ang Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) ng ligtas at maayos na pansamantalang training facilities para sa kanilang mga atleta bilang paghahanda sa hinaharap na paligsahan sa larangan ng sports gaya ng Tokyo Olympics sakaling payagan na ito ng pamahalaan.
Ayon kay PATAFA chief Philip Ella Juico, may mga pasilidad na silang nakikita sa labas ng Metro Manila na posibleng ipagdaos ang regular na pag-eensayo ng kanilang mga atleta gaya ng Rizal Memorial Sports Complex, Philsports Complex sa Pasig at ilan pa sa Cavite at Laguna.
Mahalaga para sa mga atleta ang muling pagpapatuloy ng kanilang pagsasanay bilang preparasyon nila sa naantalang Olympics na maaring ganapin sa susunod na taon at iba pang paligsahan bunsod ng pandemyang kinakaharap.
Gaya ng ilang sports associations sa bansa, dalangin din ng PATAFA sa Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EIF) na muling payagan hangga’t maari ang mga group training at competitions sa larangan ng sports.