• Malou Manuel

Payo ni Caguioa, Tumanim sa Puso’t Isipan nina Quinto at Salva


Photo from PBA.

Kahit sinong player ang mapayuhan ng isang Mark Caguioa ay paniguradong tatanim ito sa puso’t isipan ng mga baguhang players. Si Caguioa ang isa sa mga nirerespetong player sa professional league.

Bagama’t bihira ng gamitin si D Spark ng Brgy. Ginebra, ni Coach Tim Cone ay hindi ito hadlang sa star player ng team, bagkus nagbibigay pa siya ng inspiration sa kapwa players niya lalo na sa mga nagsisimula pa lang pumasok sa PBA.

Kahit nasa ibang team na itong si Nico Salva dating naging Gin Kings player ay di niya nakakalimutan ang advice ni Mark. Limited lang ang oras ni Salva sa Ginebra noon pero kasama siya sa pagsungkit ng 2016 Championship Crown ng Ginebra.

“Gawin lang ang dapat gawin kung ano umano ang ipinapakita sa practice ay dapat ganun rin pagdating sa actual game”, payo ng veteran player. Madalas ay may one on one si Salva at Caguioa sa practice nung panahong nasa Gin Kings pa ito. Ngayon ay nasa Meralco Bolts na si Salva, at hindi nakakalimutan ang payo ng Ginebra player.

Proud na proud rin si Bong Quinto ng Meralco Bolts hingil sa pagbibigay advice ng isang sikat na player sa PBA. Fanatic si Quinto ng TNT Ka Tropa pero ng makausap niya ng personal si Caguioa at pinayuhan ay tuwang tuwa ito. Nung naglaban sa finals ang Ginebra at Bolts ay kinausap siya ni Caguioa at nabigyan din niya ito ng payo.