PBA, Balik na ang Laro

Nakatakdang nang bumalik ang Philippine Basketball Association o PBA ngayong darating na Oktubre 9, taong kasalukuyan.
Halos anim na buwan rin nahinto ang laro ng professional basketball league dahil sa covid19, pandemic na nangyari hindi lamang sa bansa kundi buong mundo.
Isang magandang balita ito para sa mga supporter’s ng PBA at sa labing dalawang koponan ng liga. Wala pang anunsiyo kung papayagan ba magkaroon ng mga fans ang bawat laro ng PBA.
Sa kasalukuyan pinag usapan pa ng PBA Board kung saang venue gaganapin ang mga laro ng liga.
Ayon nga kay Commissioner Willie Marcial, walang babaguhing format sa laro ng Philippine Cup.
Ang tournament ay tatapusin lamang sa loob ng dalawang buwan. Kaya ang laro gagawin ng apat o limang beses sa isang Linggo at posibleng mangyare pa ay tatlong laro sa isang araw para mabilis matapos ang isang season.