• Malou Manuel

PBA Draft 2020, Mapapaaga


Left to Right: Santi Santillan, Kobey Paras, Taylor Statham and Troy Rike.

Dahil sa isang conference lang ang 45th season ng PBA Philippine Cup na pawang mga pinoy ang nagsisipaglaro, mailalabas ng mga PBA players ang kanilang husay dahil walang kasamang imports.

Ipinahayag ni PBA Commissioner Willie Marcial na possible namang mapaaga ang 2020 Annual draft ng liga na gagawin sa January 2021.

Malalim ang line up ng drafting sa susunod na taon at pawang naglalakihan, ang mga manlalaro na sasama dito.

Inaabangan na ang mga players na papasok sa PBA, na sina Kobey Paras, Ricci Rivero, Alwyn Pasaol, Andrei Caracut, James Lapus Justin Balthazar, Jamie Malonzo, Joshua Munzon, Santi Santillan, Troy Rike, Taylor Statham at marami pang iba.