PBA Fans, Bawal muna sa Live Games

Bahid ng lungkot ang bumabalot ngayon sa mga fans ng Professional Basketball Association o PBA na napag alamanan nila na pansamantala munang pagbabawal ng PBA, at sa ilalim ng batas ng Join Administrative Order (JAO) habang wala pang vaccine para sa covid virus.
Naisin man ng PBA na magkaroon ng mga fans sa bawat laro ng liga. Subalit iniisip nila ang kalusugan nang kanilang mga fans. Lalo na’t maraming senior citizen at kabataan ang sumusubaybay sa mga laro.
Ayon pa sa JAO maaring ganapin lamang ang mga laro ng mga propesyunal sports sa mga lugar na nasa MGCQ.
Malinaw na nakasaad sa Joint Administrative Order (JAO) na pinagtibay ng Department of Health, at ng Games and Amusement Board at Philippine Sports Commission nung nitong Linggo.
Tanging paraan na makakapanood ng laro ang mga fans sa pamamagitan ng livestreaming at sa TV na siyang maghahatid ng coverage ng mga PBA games.
Sa kasalukuyan ang pagbabalik practice at training muna ang pinayagan ng JAO at may probisyon kung kailan gagawin ang aktwal game.
May maximum na limang players puwedeng mag practice, sa mga lugar ng GCQ habang pinapayagan ang 10 na manlalaro sa mga lugar na MGCQ.