• Malou Manuel

PBA Fans, Posibleng Makapanood na ng Live sa October 19


Magandang balita para sa mga follower’s ng Philippine Basketball Association dahil pinag aaralan ng PBA at TV5 na posibleng payagan na ang mga fans manood ng live na laro sa Angeles University Foundation (AUF) Gym sa Pampanga.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, unti unti ay isasapubliko nila ang laro sa mga kababayan natin na halos pitong buwan hindi napanood ang PBA. Sinabi umano ng broadcast partner nila na TV5 na puwede silang tumanggap ng 250 virtual manonood kada laro.

Sa bilang na 250 manonood ay kasama na dito ang mga sponsors, governors at patuloy na pinangaaralan kung ilan total ng fans ang papasukin sa venue.

Nakita ng PBA kung gaano karami ang nanonood sa Tweeter at FB accounts at naging trending ito.

Noong first game ng TNT GIGA laban sa Alaska Aces at main game ang Brgy Ginebra kontra sa Nlex Road Warriors. Libo libong fans ang nanabik manood ng professional league.

Nais ng PBA na mabigyan ng kaunting kaligayahan ang kanilang supporters sa pamamagitan ng pagpapasok ng mga bilang na fans at makapag dulot sila ng kasiyahan kahit papaano.