top of page

PBA, Naunsiyame ang Balik Practice ng mga Teams


Nakatakda sanang magbalik ensayo ang labing dalawang teams ng PBA kung saan sa Agosto 7, petsa na puwede ng mag ensayo ang mga players.

Dahil ibinalik ng Gobyerno sa Metro Manila ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), sa patuloy na pagdami na inffected na virus. Naudlot ang pagbabalik ensayo ng Professional Basketball League.

Hinihintay na lamang ang mga resulta ng mga players sa kani kanilang test kasama na dito ang mga key person ng bawat teams.

Ayon sa Department of Health (DOH), Games and Amusement Board (GAB), at Philippine Sports Commission (PSC) ang puwede lang mag practice ay ang individual sports tulad ng biking, running at jogging.

Sa kasalukuyan ay wala pang natatanggap na mensahe ang PBA galing sa ahensiya ng Inter Agency Task Force (IATF) kung kailan puwedeng bumalik ng practice ang PBA teams.

bottom of page