• Tj Ovivir

PCOO, Kumbinsidong Makakabangon-Muli ang Bansa sa Pamamagitan ng Bayanihan



Sa kabila ng malaking dagok na kinaharap ng pamahalaan at ng mga mamamayang Pilipino dahil sa coronavirus pandemic, naniniwala si Presidential Communications Secretary Martin Andanar na magiging susi ang Bayanihan Act 2 sa pagbangong-muli ng bansa sa darating na mga taon.

Ayon din sa katatapos lamang na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang ikalawang Bayanihan Act na na may P140 billion budget ay hindi lamang tutulong sa pamahalaan, kundi magbibigay din ng suporta sa mga mamamayan upang magkaroon ng bagong simula pagkatapos ng pandemya.

Samantala, umaasa naman si Andanar na ipapasa ng kongreso ang Bayanihan 2 upang pagtibayin ang mga aksyon na ginagawa ng gobyerno para sa mga healthcare services at economic growth ng bansa.