top of page

PCSO, Ipinatigil ang Lotto Games sa MECQ Areas



Sinuspinde ng Philippine Charity Sweeptakes Office (PCSO) ang laro ng Lotto sa mga lugar na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) matapos ianunsyo ng Malacañang na muling ibabalik ang Metro Manila at mga karatig probinsya sa mas mahigpit na quarantine restrictions simula August 4 hanggang 18.

Inabisuhan ng PCSO ang publiko sa kanilang official social media account na pansamatalang ititigil ang laro ng Lotto, Instant Sweeptakes at Keno sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ hangga’t hindi pa iniaangat ng pamahalaan ang klasipikasyon ng quarantine rito.

Nilinaw naman ng ahensya na tuloy parin ang operasyon ng kanilang mga laro sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) basta’t mahigpit na nasusunod ang mga polisiya at panuntunan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) kontra COVID-19.

bottom of page