top of page

PCSO, Nakapagbahagi muli sa Philippine Sports Commission


Muling nakapagbahagi ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine Sports Commission (PSC) ng halagang P359,672.07 nung nakaraang Huwebes upang ilaan ito sa sports development ng Pinas.


Ito na ang pang limang remittance ng PCSO sa PSC ngayong taong kasalukuyan na may total ng P1,816,527.03. Tinanggap ang tseke nina Commissioner Celia Kiram at Cashier Maybelle Panis kay PCSO Charity Assistance Department Officer incharge Jesusa Corpuz.


Bagamat nasa pandemic parin ang bansa ay patuloy pa rin ibinibigay ng PCSO ang kanilang share para sa development ng sports.


Katulong ng bansa ang PCSO sa sports dahil noong Pebrero ay tumanggap ang PSC ng halagang P1,456,854.96 mula sa charity agency, isang buwan bago uminit ang COVID-19 lockdown na nalugmok ang ating ekonomiya.


Ang remittance ng charity agency sa PSC ay alinsunod sa Section 26 ng R.A. 6847 na ang 30% ng kita ng PCSO kada-taon ay ibibigay sa sports agency upang gamitin sa sports development programs ng bansa.

bottom of page