top of page

PGH Health Workers, Gagamit ng Telepresence Devices para sa Pakikipag-usap sa mga Pasyente


Photo from pchrd.dost.gov.ph

Gagamitin na ang telepresence devices ng mga doctor at nurses sa Philippine General Hospital (PGH) bilang bahagi ng kanilang komunikasyon at konsultasyon sa mga pasyente na infected ng coronavirus disease 2019 o COVID-19.

Gamit ang aparatong ito ay mas mapapadali para sa mga healthworkers ang pagkonsulta sa mga COVID-19 patients at masisiguro din ang seguridad ng kanilang kalusugan mula sa pagkalat ng nakahahawang sakit.

Pinondohan ng Department of Science and Technology Council for Health Research and Development (DOST-PCHRD) ang gawang telepresence devices ng University of the Philippines Manila – College of Medicine Surgical Innovation at Biotechnology Laboratory o UPM-CM SIBOL COVID Task Force.

Ayon kay Dr. Edward Wang ng SIBOL team, dahil sa kasalukuyang paglaganap ng COVID-19 sa bansa higit na mas kailangan sa panahon ngayon ang massive inventory ng medical supplies, kaya ito ang nagtulak sa grupo para makagawa ng alternatibong solusyon upang mapanatili parin ang kaligtasan ng mga health workers sa kabila ng panganib sa kanilang trabaho.

Ang SIBOL ay isang programa ng DOST-PCHRD na may layong gumawa ng locally sourced material and technology upang makapag-produce ng mga surgical at medical devices na kailangan ng bansa.

bottom of page