PH nasa ‘Decelerating Phase’ na ng COVID-19

Pinaniniwalaan ng mga medical experts na nasa ‘decelerating phase’ na ang Pilipinas sa paglaban nito sa pandemyang kasalukuyang laganap sa buong mundo dahil mayroon na lamang maliit na COVID-19 fatality rate ang bansa.
Ayon kay Dr. Ted Herbosa, special adviser ng National Task Force kontra COVID-19, sinasabing mayroon na lamang 4.6% fatality rate ang bansa mas maliit kumpara sa global average na nasa 5.1%.
Dagdag ni Herbosa, ito ay nangangahulugan aniya na maayos na ang takbo ng ating health system sa pagsugpo sa nakahahawang sakit.
Inaasahan naman na hindi magkakaroon ng second wave ang paglaganap ng COVID-19 sa bansa sapagkat tiyak na mas lalong mahihirapan ang health system ng Pilipinas kung magkataon.