• Estephany Rivera

PH National Golf Team, Tuloy na ang Training


Inanunsiyo ni National Golf Association of the Philippine (NGAP) Secretary-General Bones Floro na ipinagpatuloy na ng mga miyembro ng national golf team ang kanilang training ngayong linggo matapos payagan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Disease (IATF) ang non-contact sport sa mga lugar sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Floro, nakipagpulong ang NGAP sa IATF bago payagan ang paglalaro ng golf sa GCQ. Ito'y matapos pag-usapan ang mga health protocols na kailangang sundin ng mga manlalaro kung sakali.

Sinabi din ni Floro na tinitingan na ng asosasyon ang pagpapatuloy sa mga nakanselang tournaments ng NGAP.

Ipinarating din ng NGAP ang kanilang pasasalamat sa IATF sa pagbibigay-oras sa kanila at pag-apruba sa pagpapatuloy ng nasabing laro.