• Malou Manuel

Philippine Boxing and Combat Sports Commission, Binubuong Ahensiya ni Senator Manny Pacquaio


Sa bill na panukala ni Pambansang Kamao Sen. Manny Pacquaio, Ang Philippine Boxing and Combat Sports Commission o PBCSC ang siyang mamahala sa boksing at combat sports upang makapag fokus umano ang GAMES and Amusement Board (GAB) sa ibang sports.


Gayunman, Nilinaw ni Pacquiao na hindi niya sinasapawan ng trabaho ang GAB, bagkus gusto niyang makatulong sa naturang ahensiya hanggat hindi pa siya lumalaban. Nais nitong makatulong sa mga boksingero at sa larangan ng combat sports.

Sabi pa ni Senator Manny, pangarap niyang maging boxing at Combat sports Capital ng Asia ang bansa at regulatory agency. Target din ng binubuong commission na I level up ang antas ng combat sports.


Maliban sa boksing at sports combat ay nakikilala na rin ang mixed martial arts sa Pilipinas. Katunayan, tinitingala na ang pangalan nina Edward Folayang na lumalaban sa ONE Championship.