Philippine Football League, Lalarga na

Sa tagal ng paghihintay ng mga fans lalarga na ang aksiyon ng Philippine Football League (PFL) sa isasagawang ‘bubble’ competition ngayong Linggo sa Philippine Football Federation (PFF) facility sa Carmona, Cavite.
Bilang pagsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF) hingil sa ‘safety and health’ protocol, walang live audience ang tournament na tanging ang may direktang kinalaman lamang sa liga, sa pakikipagtulungan ng Qatar Airways, ang sasalang sa football field.
Walang naman dapat ikabahala ang mga follower’s ng football dahil mapapanood ang mga laro ng live sa online platform ng PFL.
Anim na koponan ang sasabak ngayong season. Ito ay ang Azkals Development Team and clubs United City, Maharlika, Stallion-Laguna, Kaya-Iloilo at Mendiola.
Sumailalim sa COVID-19 testing ang lahat ng mga players, opisyal at personnel batay na rin sa resolusyon ng IATF mula sa rekomendasyon ng Joint Administrative Order (JAO) na binuo ng GAB, PSC at Department of Health.
Magtutuos sa three-game bill sa opening day, Linggo (Oct. 25) ang ADT squad, na pinagangasiwaan ni Azkals mentor Scott Cooper, kontra Mendiola sa unang laro sa ganap na alas 9 ng umaga.
Sunod na magtatagpo sa 4:40pm ang Stallion-Laguna at Kaya-Iloilo, habang tampok na laro ang duwelo sa pagitan ng paboritong United City, kinabibilangan ng ilang players mula sa multi-titled Ceres-Negros FC sa pangunguna ni Azkals skipper Stephan Schrock, at bagitong Maharlika na pangungunahan naman ni dating Azkals defender Anton del Rosario.