top of page

Philippine Lawn Bowls, Sikat sa Ibang Bansa


Kilala sa ating bansa ang sports ng Basketball, Volleyball, at Boksing pero pagdating sa ibang sports isa rin sa nagbibigay karangalan sa atin ang mga atleta at manlalaro ng Philippine Lawn Bowls.


Naka-posisyon bilang ikalawa sa pinakamagaling na koponan sa Asya at isa sa mga nirerespeto sa buong mundo ang mga manlalaro’t atleta ng Philippine Lawn Bowls Association (PLBA). Ito ang sinabi ni Ronalyn Redima Greenlees, tumatayong Officer-in-Charge ng naturang grupo na sumungkit ng anim na medalya, kabilang ang isang ginto sa nakalipas na 2019 Southeast Asian Games sa bansa.

Kakulangan ng popularidad, lugar na pagdarausan at sponsors ang pumipigil sa mabilis na pagkilala sa naturang sports na madalas nakikita ng karamihan bilang recreational sports o libangan lamang, higit sa mga nakatatanda.   


“Dito sa Pilipinas hindi kami kilala, pero sa ibang bansa kilalang-kilala kami. Maituturing kong 2nd best kami in Asia, Malaysia pa rin ang angat but not much kase ang facilities nila compare sa amin is different, so dun sila nakalalamang sa amin, sa world category naman may laban kami.,” pahayag ni Greenlees. 


“Outside Philippines kilala kami. We’ve won sa Asia-Pacific we got a few times naka-gold kami, twice sa single, sa triples naka-gold din kami sa New Zealand, sa World Championships we have numerous medal na ginaganap every 4-years na parang Olympic Games na kailangan muna mag-qualify sa Asia,” dagdag ng dating pinuno ng PLBA.

Dumating sa punto umano na sumuko  ang  49-anyos na Pasacao, Camarines Sur-native sa pagkuha ng mga sponsors upang makatulong na  mapaunlad  ang larong Lawn Bowls sa Pilipinas. Ngunit dahil sa walang may interesado na magbigay  sa kanila ng tulong  lalo sa paglalaan ng pasilidad at mga kagamitan, na tanging nakukuha lamang nila mula sa suporta ng PSC; isinantabi na muna nito ang suportang manggagaling sa mga private sectors.

“Unfortunately, I tried my best, I’m the very first president ng Lawn Bowls sa Pilipinas, many times na nagtry akong makakuha ng sponsor, ngayon nag-give up na ako, hindi kami ganun kakilala dito sa Pilipinas, hindi tulad ng ibang sports na kahit maliit pa lang alam na nila. Walang mag-sponsor sa amin hindi kami pinapansin. Wala kaseng gustong makinig sa amin,” paglalahad ng dating 2016 Christchurch World Championships sa fours event.


Gayunman, umaasa parin ang mga manlalaro ng Philippine Lawn Bowl na mabibigyan pansin din ang nasabing sports.

bottom of page