Philippine Superliga Beach Volleyball, Hindi na Tuloy

Hindi na itutuloy ang Philippine Superliga Beach Volleyball na nakatakda sanang magbukas ngayong November 26-29 na gagawin sa Subic Bay, Olongapo City.
Ito ay dahil sa pananalasa ng bagyong Rolly at epekto sa ating mga kababayan ay minabuti muna ng liga ikansela, ang kanilang torneo.
Ayon sa PSL, itutuloy na lamang ang kumpetisyon sa susunod na taon sa buwan ng February 2021. Mayroon 16 teams sanang kalahok sa naturang tournament.
Bago ang pagkakansela ng torneo ay dumaan muna sa masusing usapin bago pinagpasyahan ng bumubuo ng PSL na huwag na ituloy ang pinanabikan ng mga supporters ng volleyball.
Tanging ang Philippine Superliga ang non-professional sports at womens league na pinayagan ng Inter Agency Task Force o IATF na magkaroon ng pagpa practice at tournament.