• Estephany Rivera

Phone Charger sa Loob ng Pantog ng Isang Lalaki, Inalis ng mga Doktor sa India


Nauwi sa mas malaking operasyon ang isinagawa sa isang 30 anyos na lalaki sa India nang matuklasan ng mga doktor na mayroong phone charger, na may habang dalawang talampakan, sa loob ng pantog ng pasyente.

Ayon kay Dr. Walliul Islam, pumunta raw ang lalaki sa Assam Hospital at inrereklamo ang pananakit ng tiyan. Sinabi pa raw ng pasyente na aksidente na siyang nakalunok ng headphones noon.

Sa facebook post ni Islam, sinabi ng doktor na walang silang nahanap na headphones nang magsagawa ng endoscopy sa Gastrointestinal tract pasyente. Kaya naman laking-gulat raw nila ng makita ang charger sa bladder ng lalaki.

Kinumpirma ng X-ray na pumasok mula sa penile urethra ng lalaki ang wire ngunit pilit pa rin iginigiit ng pasyente na nalunok niya ito.

Sinabi pa ni Islam na patuloy pa rin siyang nasusurpresa at nasusubok ang kakayahan bilang doktor bagamat 25 taon na siya sa propesyon.