Physical Classes sa Kolehiyo, Papayagan na sa MGCQ

Sa guidelines na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases, pinahihintulutan na ang mga Higher Education Institutions (HEIs) na magsagawa ng limitadong face-to-face classes sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Gayunpaman, mariin pa ring nakasaad sa guidelines na kailangang kumonsulta ng mga HEIs sa lokal na pamahalaan, at sumunod sa ang guidelines ng Commission on Higher Education (CHED) at minimum public health standards bago magsagawa ng residential classes.
Inanunsiyo ng Malacañang na maaari nang magbukas ang mga HEIs na mayroong flexible learning measures sa Agusto 2020.
Hinikayat naman ni IATF Co-chairman at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga estudyante na magtrabaho o magvolunteer upang magkaroon ng work experience na makatutulong sa kanila sa hinaharap.