top of page

Pilipinas, 1st Place sa Pagsusuot Face Mask Ayon sa Survey


Nanguna ang Pilipinas sa 29 na bansa sa pagsusuot ng face mask ayon survey na isinagawa ng Public Opinion and Data Company na YouGov at Imperial College of London.

Batay sa datos na inilabas ng mga mananaliksik, 91% ng mga Pinoy respondents ang sumusunod sa face-mask policies ng gobyerno. Samantalang 1% lamang sa mga ito ang nagsabing hindi sila nagsusuot ng face mask at 2% ang nagsusuot minsan.

Nanguna din ang bansa sa pagsusuot ng face mask sa sa tuwing lalabas ng bahay. 92% ng mga Pilipino ang nagsabing nagsusuot sila ng nasabing protective equipment kapag aalis sa bahay.

Pumangalawa sa Pilipinas ang Mexico na may 85%, sunod ang Spain, Hong Kong, at Italy. Pumwesto naman sa 11th place sa survey ang Estados Unidos, 59%, na mayroong pinakamaraming COVID-19 cases sa mundo.

Nahulog naman sa 15th place ang United Kingdom, 19%, na mayroong pinakamaraming namatay dahil sa pandemiya.

bottom of page