top of page

Pilipinas, Isa sa mga Bansang may Pinakamababang Average Wage sa Mundo


Hinirang ng Picodi, isang e-commernce platform, ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang may pinakamababang average sa buong mundo ayon sa datos na nakalap noong Agosto 2020.

Pumwesto ang bansa sa ika-95 sa ranggo sa mga bansang matataas ang average wage. Ito ay mula sa 106 na bansang kinuhanan ng datos ng ahensiya.

Pumapalo lamang sa $308 o P15,200 ang average na sweldo sa bansa. Nanguna naman ang Switzerland na may average wage na $5,989 o P296,200 samantalang sumunod naman dito ang Luxembourg na may sweldong $4,014 o P198,500.

Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa Metro Manila ay P537 kada araw o P10,740 kada buwan.

Kinuha naman ng Cuba ang pinakahuling pwesto na may $36 o P1,800 na average wage. Kasama ng Cuba ang Pakistan, Nepal, Nigeria, at Uganda sa mga mababang pwesto.

bottom of page