top of page

Pilipinas, Kaya nang Mag-Conduct ng Halos 40,000 COVID-19 Test kada Araw


Photo for illustration purposes only.

Tumaas na ang COVID-19 testing capacity ng Pilipinas at kaya na nitong mag-conduct ng higit 40,000 test kada araw dahil nagdagdagan na ang reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) laboratories at testing centers sa buong bansa.

Ibinunyag ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa isang send-off ceremony sa Clark, Pampanga para sa mga repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) mayroon nang 41 RT-PCR at 13 gen expert machines ang ahensya.

Mula sa pinakabagong situational report ng COVID-19, sinabi na mayroong 141 pending applications ang gobyerno para sa accreditation ng mga bagong testing centers sa buong bansa.

Ayon kay Vivencio Dizon, deputy chief implementer ng COVID-19 response, bagamat tumataas ang bilang ng mga umuuwing OFWs, mayroon nang kapasidad ang gobyerno ngayon para sumailalim sa malawakang test ang mga ito.

bottom of page