Pilipinas may Sapat na Food Supplies sa Kabila ng ECQ
Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na may sapat na supply ng pagkain ang bansa sa kalagitnaan ng umiiral na Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa maraming lugar sa bansa. Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, marami pa aniyang supply ng de lata, instant noodles, gatas at iba pa sa mga supermarket at groceries. Dagdag pa niya, tuloy-tuloy ang trabaho sa mga food production business at tiniyak nito na may sapat na mga tauhan ang mga grocery store at iba pang essential businesses sa pagpapalawig ng ECQ.
Samantala, nanawagan naman ang kalihim na huwag munang maningil ng renta o loan hanggang sa May 15 ang mga nagpaparenta ng residential at commercial units, public utility companies at mga banko.
