Pilipinas, Pinarangalan bilang “Best Overseas Diving Area” ng isang Magazine


Busuanga, Palawan, Philippines.

Pinarangalan ang Pilipinas bilang “Best Overseas Diving Area” sa naganap na Marine Diving Awards 2020 nitong nakaraang linggo sa Tokyo, Japan matapos maipanalo ang boto mula sa Marine Diving Magazine.

Sa unang pagkakataon ay nanguna ang bansa sa Overseas Diving Category ng Marine Diving Magazine kung saan itinampok ang nakakamanghang diving sites sa isla ng Cebu, Bohol, Moalboal at Busuanga sa bansa na nakakuha ng libo-libong boto mula sa naturang magasin.

Tinanggap ng bansa ang nasabing parangal sa naganap na Marine Diving Fair 2020 sa distrito ng Ikebukuro sa Tokyo.

‘Diving is more fun in the Philippines’ iyan ang binitiw na pahayag ng Department of Tourism nang kilalanin ng ahensya ang parangal.