• Tj Ovivir

Pilipinas, Tinaguriang 'Best Diving Area, Overseas'


Ginawaran ng 2020 Marine Diving Awards sa Japan ang Pilipinas ng titulong 'Best Diving Area, Overseas' dahil sa napakayaman nitong aquatic at marine life.

Ibinoto ng mga subscriber ng Marine Diving Magazine, isa sa mga sikat na magasin sa Japan, ang ating bansa bilang ang pinakamagandang diving area sa buong mundo, kaya't nakatakdang tanggapin ng Tourism Promotions Board (TPB) ang parangal sa August 21 to 23.

Samantala, hindi pa sigurado ang TPB kung lilipad pa-Japan ang kagawaran upang tanggapin ang award at kung gagawin na lamang ito via virtual ceremony dahil sa COVID-19 crisis