• Tj Ovivir

Pinakabagong Telco sa Bansa na Streamtech, Malapit nang Simulan ang Operasyon


Dahil sa napakalaking pangangailangan sa mabilis na internet connectivity sa panahon ng COVID-19 pandemic, malapit nang magsimula ang operasyon ng Streamtech Systems Technologies, Inc. na nasa ilalim ng Prime Asset Ventures, Inc. (PAVI).

Ayon kay Paolo Villar, owner at founder ng PAVI, layon nilang makaabot sa pinakamalalayong dako ng bansa ang kanilang high quality service, at na kumbinsido itong makapagbibigay ang Streamtech ng mas mabilis at kumbinyenteng internet service sa mga future customers.

Nakipag-ugnayan ang Streamtech sa mga leading internet upstream providers sa Asia-Pacific at United States kaya't magiging posible ang multiple gigabit connectivity para sa mga customers.