Pinakabihirang Gorilla Species, Namataan sa Nigeria

Nakunan ng litrato ng ilang conservationists ang Cross River Gorillas, ang pinaka rare na gorillas, na kasama ang mga anak nito sa kagubatan ng Mbe Mountain sa Cross River, Nigeria.
Ayon sa International Union for Conservation of Nature, critically endangered na ang subspecies at natatayang 300 na lamang ang nakatalang buhay.
Mailap umano ang mga gorilla sa mga tao at dahil sa kanilang maliit na bilang, madalas silang puntiryahin ng mga mangangaso.
Sinabi naman ng director ng Cross River Landscape for Wildlife Conservation Society Nigeria na si Inaoyom Imong, ang mga litratong nakunan ay pruweba na ang mga gorilla ay nasa mabuting kalagayan at nagpaparami.
Ang society na pinamumunuan ni Imong ay matagal nang nakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang komunidad sa Nigeria upang masiguro ang kaligtasan ng mga Cross River gorillas, at wala pang naitatalang pagkamatay ng mga ito simula 2012.